Muli na namang trending ang pangalan ng dating Kapamilya star na si Liza Soberano hinggil sa mga nasabi niya sa isang panayam sa kaniya sa podcast na “Get Real” nina Ashley Choi at Peniel.

Ang pamagat ng episode ng podcast ay "Liza Soberano on Spending Money and Managing Stress" kung saan isa sa mga natanong sa kaniya ay ang showbiz career.

Nabanggit ni Liza ang tungkol sa kaniyang bagong sinalihang management na "Careless" na pagmamay-ari ni James Reid na actor-singer din sa Pilipinas.

Dito ay nabanggit ni Liza ang tungkol sa pagkakaroon ng "love teams" sa Philippine showbiz. Ikinuwento niya na sa Pilipinas, kung hindi ka singer, mas mapabibilis ang pagsikat ng isang artist kapag ipinareha sa isang tambalan o love team.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inihalintulad pa niya ito kina Angelina Jolie at Brad Pitt.

"In the Philippines, the only way to become a big star really, if you're not a singer, if you're an actor, is to be in a love team," ani Liza.

Ginawa pa niyang halimbawa ang kaniyang sariling track record, na kung susuriin daw ang kaniyang mga ginawang pelikula at TV shows, mapapansing ipinareha lamang siya sa iisang co-actor (Enrique Gil).

Nagkakaroon daw ng "ilusyon" sa fans na ang mga tambalan ay "real-life couple" kaya kung ipapareha na sa iba ang mga artistang "nakahon" sa love team, magngingitngit ang kalooban ng kanilang die-hard supporters.

Nagulat naman sina Ashley at Peniel sa kalakaran ng showbiz industry sa Pilipinas.

Sey naman ni Liza, matagal na raw itong kalakaran sa showbiz noon pang 70s o 80s.

Sa kabilang banda, hindi naman daw hinuhusgahan ni Liza ang ilang love teams na nauwi sa totohanan ang kanilang relasyon. Marami raw sa kanila ang talagang naging masaya sa kanilang pagsasama.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Saw a tweet that says the highly educated ones understand Liza. Oh well it's true. Matalino kasi siya, matapang pa. Hindi sanay yung haters who are prolly less educated cos the artists they're rooting for are spineless & would never dare expose unfair practices they benefit from."

"When James Reid said the same thing in a podcast, y'all didn't say anything but when Liza did it, y'all acting like she's not allowed to speak her mind. Damn ph really is still misogynist af. You think you support women and women's rights but as long as they don't speak up?"

"These days, I feel like people are just finding reasons to hate Liza. But did she lie? The love team formula talaga is the stepping stone and undeniably opens more opportunities than that na ayaw or hindi nagci-click yung love team nila."

"Parang akala mo naman hindi siya galing sa LT?"

"I think wala naman masama sa sinabi ni Liza. She's just stating facts. Totoo naman. Pero, hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangang may love team.

https://twitter.com/KafosoMo/status/1652126149151997952