Magkakaroon ng water service interruptions sa ilang bahagi ng Quezon City, Pasig City, at San Juan City mula Mayo 2 hanggang 5 ayon sa anunsyo ng Manila Water.
Mga lugar sa Barangay Pinagbuhatan (partikular sa Munting Bahayan, Bolante 1 at 2, Caruncho 1, Acacia Daycare, Jabson, at Acacia Bungad), Palatiw (St. Paul Compound, Habitat), Maybunga, Rosario, at Sagad (J. Feliciano Street, at Sagad Elementary) sa Pasig City ang makararanas ng water service interruptions simula 10 p.m. sa Martes, Mayo 2, hanggang 4 a.m. sa Miyerkules, Mayo 3.
Sa parehong petsa at oras, ang mga bahagi ng Barangay Silangan, Quirino 3-A, Duyan-duyan, Matandang Balara, at Damayang Lagi sa Quezon City; gayundin ang mga Barangay Balong Bato, West Crame, at Bagong Lipunan ng Crame sa San Juan City ang makararanas din ng parehong pagkaantala.
Walang tubig din ang iba't ibang barangay sa Quezon City simula Miyerkules, Mayo 3 hanggang Biyernes, Mayo 5. Maantala rin ang serbisyo ng tubig sa mga Barangay San Vicente, Pinyahan, at Bagong Pag-asa simula alas-10 ng gabi sa Mayo 3 hanggang ika-4 ng umaga sa Mayo 4, at sa Matandang Balara, Up Village, at Teachers Village West mula 10 p.m. sa Mayo 4 hanggang 4 a.m. sa Mayo 5.
Mula 10 p.m. sa Mayo 4 hanggang 4 ng umaga ng Mayo 5, mararanasan din ng mga residente sa Barangay West Crame sa San Juan City ang kawalan ng daloy ng tubig.
Ayon sa Manila Water, magsasagawa ang mga tauhan ng maintenance activities tulad ng line maintenance at replacement, kasama ang line meter at strainer declogging operations malapit sa mga nabanggit na lugar.
Pinayuhan ng water concessionaire ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang pagkaantala ng serbisyo.
Kung sakaling magkaroon ng emergency, mangyaring tawagan ang Manila Water sa pamamagitan ng kanilang hotline (1627) o sa pamamagitan ng kanilang mga social media pages.
Khriscielle Yalao