Kaliwa’t kanang pambabatikos ang natanggap ng Ninoy Aquino International Airport Security mula sa “Anchors” o fans ng global pop group na HORI7ON matapos ang di umano’y hindi magandang pagtrato sa mga miyembro nito.
Linggo ng umaga, Abril 30 nang dumagsa ang daan-daang taga-suporta at pamilya ng HORI7ON sa NAIA upang masilayan sa huling pagkakataon ang nasabing grupo para tumulak sa South Korea para sa napipinto nitong debut.
Basahin: HORI7ON, tumulak na sa South Korea para sa kanilang debut – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Sa isang video, makikita na tila ayaw ng security at staff na makalapit sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda sa kani-kanilang pamilya, at kahit namagitan na ang mga Korean staff na kasama ng HORI7ON ay nagmatigas pa rin ang mga ito.
Sa isa pang video, makikita na tila hinila pa ang ilang miyembro ng HORI7ON na kapwa menor de edad para agarang pumasok sa mismong entrance ng paliparan, sa kabila ng ongoing shootnila para sa Korean reality TV show ng grupo.
Trending sa Twitter ang hashtag #NAIASecurityCancelled kasabay nang pagbuhos ng panawagan sa pamunuan ng paliparan na ayusin ang pagtrato sa mga baguhang grupo kagaya ng HORI7ON.
Narito ang ilan sa mga nakalap ng Balita:
Wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng NAIA tungkol sa isyu.