Nasa ₱10.81 milyong rebate ang pakikinabangan ng mga customer ng Maynilad Water Services, Incorporated.

Sa pahayag ng nasabing water concessionaire, ang naturang refund para sa mahigit 167,000 customer ay dulot ng naranasang service interruptions na resulta naman ng pagbabawas ng produksyon ng kanilang Putatan Water Treatment Plants.

Ang nasabing balik-bayad ay isasama sa water bill ng mga customer sa Mayo.

Saklaw ng makatatanggap na refund ang mga customer na hindi nakakakonsumo ng 10 cubic meter kada buwan sa Cavite, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, at Pasay.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Matatatandaang Enero ng taon, nakaranas ng pagputol ng suplay ng tubig sa mga lugar na nasa west zone nang magbawas ito ng water supply dahil sa maintenance activities sa mga nasabing planta ng kumpanya.

Nitong Enero, iniutos ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) sa Maynilad na magmulta ng mahigit sa ₱27 milyon dahil sa sunud-sunod na service interruptions nito sa mga nakaraang buwan.

Natuklasan din ng MWSS-RO na nilabag ng kumpanya ang kanilang service obligation na nagsasabing hindi dapat napuputol ang 24 oras na serbisyo nito sa mga lugar na saklaw ng Putatan Water Treatment Plants.