Lumipad na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. patungong Amerika nitong Linggo sa layuning mapatatag pa ang relasyon ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Binanggit ni Marcos ang kahalagahan ng kanyang apat na araw na biyahe sa Estados Unidos, mula Mayo 1-4 kung saan tatampukan ng pakikipagpulong nito kay United States (US) President Joe Biden.

“My visit to the United States, and more especially, my meeting with President Joe Biden, is essential to advancing our national interest and strengthening that very important alliance,” lahad ng Pangulo.

Ilalatag din nito sa pulong ang usapin sa Mutual Defense Treaty (MDT) at Visiting Forces Agreement (VFA).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Makikipagkita rin si Marcos sa mga business leader upang maisulong ang pakikipagkalakalan at investment opportunity sa Pilipinas.