Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Tiniyak ng tropa ng kapulisan sa Central Luzon ang kahandaan para sa paggunita ng Labor Day, para sa posibleng mga aksyong masa na isasagawa ng mga organisasyong manggagawa at pulitikal sa buong rehiyon ngayong Lunes, Mayo 1.

Sinabi ni Police Regional Office 3 Director Brigadier General Jose S Hidalgo Jr na may inilatag na security plan para sa kaganapan.

Halos 700 PNP personnel ang ipinadala sa iba't ibang lugar ng public convergence tulad ng freedom parks at transportation hubs. Ang deployment ay may layong makontrol at maiwasan ang kriminalidad.

Lahat ng PNP contingents ay pinaalalahanan na sundin ang "maximum tolerance", ang nakatayong patakaran ng PNP pagdating sa paghawak ng mass action sa mga nagpoprotesta.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

 Ang mga Police Assistance Desk (PADs) at Motorists Assistance Centers (MACs) ay nananatili pa rin sa mga convergence point tulad ng mga terminal ng bus, paliparan, daungan at mga lugar na libangan kabilang ang mga hiway, pangunahing lansangan at crime prone areas upang matiyak ang pinakamataas na presensya ng pulisya hanggang Mayo 31, 2023, sa bisa pa rin ng "Ligtas Sumvac 2023."