Nitong bisperas ng Araw ng Manggagawa o Labor Day, inihayag ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang tatlo sa kaniyang matagal nang mga panukala na naglalayon umanong mabigyan ng maayos na buhay ang mga manggagawang Pilipino.

Sa kaniyang pahayag nitong Linggo ng gabi, Abril 30, binigyang-diin ni Salo, chairperson ng House Committee on Overseas Workers Affairs, na kinakailangang tumindig ang bawat isa para sa kapakanan ng mga manggagawa sa bansa.

"As we celebrate Labor Day this May 1, we recognize the indispensable role of labor as the backbone of our economy and society, and thus, we stand with our Filipino workers in the fight for fair and just working conditions,” ani Salo.

“Consistent with one of the core advocacies of Kabayan Party-list which is livelihood, we have filed three bills, among many other bills, that aim to ensure decent life for our workers.”

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Unang inihayag ni Salo ang House Bill No.525 o ang Minimum Wage bill na naglalayong i-adjust ang minimum wage sa buong bansa sa ₱750 para magkaroon umano ng maayos na pamumuhay ang mga manggagawa.

"We need to address the issue of low wages. No worker should have to live in poverty because of a very low minimum wage,” saad ni Salo.

Sinabi rin ng kongresista na naghain din siya ng House Bill No.520 na naglalayong mabigyan ng 14th-month pay ang lahat ng manggagawa, sa gobyerno man o sa pribadong sektor at anuman ang katayuan ng kanilang trabaho.

“We must recognize the hard work and dedication of our workers by providing them with a 14th-month pay. This will not only boost their morale but also provide them with additional funds to cover their needs,” ani Salo.

Samantala, binigyang-diin din ng kongresista, sa kaniyang ikatlong inihayag na panukala na House Bill No.521, ang kahalagaan ng automatic civil service eligibility sa government contract workers at job orders.

"These workers have been serving our country for years, and they deserve to be given the chance to become permanent government employees after a certain number of years. This will not only benefit them but also our government, as it ensures a stable and efficient workforce," ani Salo.

Ang mga panukalang batas ni Salo, na inihain niya mula pa noong 17th Congress, ay nakakuha umano ng makabuluhang suporta mula sa mga kapwa niya mambabatas at iba't ibang grupo ng mga manggagawa.

Ayon sa mga taga-suporta ng mga nasabing panukalang batas, dapat nang maipasa ang mga ito upang mapabuti na ang sitwasyon ng mga manggagawang Pilipino.

"Our workers deserve nothing but the best. Let us continue to work together to uplift their lives and provide them with the support and protection they need and deserve," saad ni Salo.