Matapos ang kaliwa’t kanang guestings, mall shows, at matagumpay na fan meeting, tumulak na ang pinakabagong global pop group ng MLD Entertainment at ABS-CBN na HORI7ON patungong South Korea, Linggo, Abril 30.

Daan-daang “Anchors” o fans, kasama na ang pamilya nang nasabing grupo ang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport upang masilayan sa huling pagkakataon sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda, na siyang sasailalim sa training kasama ang mga Korean coaches bago ang kanilang nalalapit na debut.

Nauna nang inanunsyo na magkakaroon ang HORI7ON ng Korean reality show na “Hundred Days Miracle,” upang mas makilala ng global audience ang purong Pinoy talents.

Nagkaroon naman ng aberya ang paglipad ng isa sa mga miyembro ng HORI7ON na si Reyster Yton, matapos nitong magkaroon ng problema sa kanyang visa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This is MLD Entertainment.

HORI7ON was scheduled to fly to Korea however due to visa approval issues, Reyster was not able to fly together. As soon as Reyster’s visa gets approved, he will be joining the rest of the members for their schedule in Korea. We ask for your kind understanding.

Thank you,” lahad ng MLD Entertainment sa isang Facebook post.

Sa mga oras na ito ay wala pang tiyak na detalye kung kailan makakasunod si Reyster sa South Korea.

Samantala, trending ang hashtag na #HORI7ON_FlyToSouthKorea sa Twitter kasabay nang pagbuhos ng mga mensahe ng pansamantalang pamamaalam ng grupo sa bansa.

https://twitter.com/hori7ontrending/status/1652493394479022081?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

https://twitter.com/notpxy/status/1652510432412958729?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Screengrab mula sa Twitter

Nabuo ang grupong HORI7ON sa idol survival show na “Dream Maker” na siyang nagtapos Pebrero ng taong kasalukuyan.