Dapat iwasan ng publiko ang self-medication kung makaranas sila ng sintomas ng sore eyes, paalala ng isang opisyal ng Department of Health (DOH).

Mas mainam na kumuha ng reseta mula sa isang health professional kung ang isang indibidwal ay may sore eyes, ani DOH Health Environment Division Chief Dr. Rosalind Vianzon.

“Of course ang importante diyan, matingnan siya ng isang primary care provider para kung kailangan bigyan siya ng eye ointment or ophthalmic drops---yung tamang prescription ang maibigay sa kanya," ani Vianzon sa isang kamakailang media forum.

“Huwag tayong magpapatak sa sarili o magpapahid ng kung anu-ano kasi baka imbes na makabuti ay lalo pa pong makasama sa ating mga mata,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinayuhan din ni Vianzon ang publiko na iwasang kuskusin ang mga mata. Makakatulong din ito na mabawasan ang pagkalat ng impeksyon sa viral sa ibang tao dahil ang discharge mula sa sore eyes ay "mga pinagmumulan ng mga impeksyon."

“Usually ang sore eyes makati yan, talagang intentionally, unknowingly nai-iscratch yung mata so as much as possible ayun po ang iwasan natin,” aniya.

“Imbes na kamutin o i-scratch yung mata siguro maghilamos nalang para mabawasan yung itchiness nung sore eyes,” dagdag niya.

Analou de Vera