Inalmahan ni Joel Mondina alyas "Pambansang Kolokoy" ang isang balita tungkol sa kanila ng dating misis na si "Marites" kung saan nakasaad sa ulat na matagal na raw alam ng huli na may ka-affair na iba ang una.

"It's not new to me anymore. She called and told me about the affair last year," sagot daw ni Marites sa panayam sa kaniya.

Bagay na hindi naman pinalagpas ni PK at tinawag na "one-sided" ang news outlet na nagbalita nito.

"…puro ka fake news kasi lagi kang one sided! Bat di mo din kunin side ng iba?! Anong 'affair?' Baka magulat ka pag sinabi kong nag-file na ng UNCONTESTED divorce 'yan beginning year of 2021. Do the math!" aniya.

National

Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

Marami na raw nasasabing hindi magagandang detalye ang estranged wife tungkol sa kaniya, subalit mas pinili na lamang ni Joel na huwag nang magsalita tungkol dito.

"Ang dami na niyang nasasabi na masasama tungkol sa akin pero ni minsan hindi ako nagsalita. Pero kung gaano kadami mga sinabi tungkol sa akin, triple naman ang sa akin. Ayaw kong magsalita against her pero pag pinilit ako, magsasalita ako.😂"

"PS- Si Baby Juju nabuo 'yan November 2021, do the math again😂," sey pa ni PK.

Matatandaang ikinagulat ng lahat ang pag-amin ni PK na hiwalay na sila ni Marites, at sinabi rin niyang may ibang taong nagpapasaya na sa kaniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/08/31/vlogger-na-si-pambansang-kolokoy-aminadong-hiwalay-na-sa-misis-masaya-na-sa-piling-ng-iba/">https://balita.net.ph/2022/08/31/vlogger-na-si-pambansang-kolokoy-aminadong-hiwalay-na-sa-misis-masaya-na-sa-piling-ng-iba/