Nakatakda nang umarangkada ngayong Lunes, Mayo 1, ang isang malaking job fair na gaganapin sa San Andres Sports Complex sa Maynila, kasabay na rin nang pagdiriwang ng bansa ng Labor Day o Araw ng Paggawa.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, nasa 15,000 trabaho ang bukas para sa mga taong naghahanap ng trabaho.

Nabatid na tinawag na “MANILAbor Day: Buhay at Kabuhayan tungo sa Maringal na Maynila,” ang naturang job fair na lalahukan ng may 100 employers.

Aniya, bubuksan ang job fair mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ang mga trabahong iaalok ay para sa mga High School Graduates, College Level, College at Tech/Voc Graduates.

Kaugnay nito, inabisuhan naman ni Abante ang mga aplikante na makikiisa sa jobs fair na magsuot ng casual na damit, magdala ng 20 kopya ng kanilang resume at magsuot ng facemasks.