DAGUPAN CITY -- Inokupa ng Bangus Festival "Kalutan ed Dalan" street party ang mga lansangan sa kahabaan ng De Venecia Highway Extension nitong Linggo, Abril 30.

Ito ay kasunod ng pinakahihintay na bahagi ng Bangus Festival, ang Kalutan ed dalan (pagihaw sa kalye) kung saan nasa 15,000 katao ang nagtipon pagsapit ng ika-5 ng hapon.

Hindi bababa sa 20,000 bangus ang inihaw. Bukod sa pag-ihaw sa kalye, may pitong stage performers pa ang nakisaya na nilahukan ng iba't ibang artista at banda.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Larawan ni Tricia Inigo

Kabilang sa mga nag-perform sina Ely Buendia, gitarista, lead vocalist ng Eraserheads; Spongecola; si Zac Tabudlo; Gigi De Lana & The GG Vibes bukod sa iba pa.

Bilang pangunahing atraksyon ng pagdiriwang, highlight ang inihaw na bangus sa gitna ng entablado. Gayunpaman, ang Bangus Festival ay hindi lamang food festival, ito rin ay pagdiriwang ng mayamang kultura at kasaysayan ng Dagupan City.

Larawan ni Tricia Inigo

Samantala, nagbigay naman ng seguridad sa lugar ang mga tauhan ng Pangasinan PNP para sa mga VIP na nakasaksi sa Kalutan ed Dalan kabilang nina Senator Francis Tolentino, Congresswoman Baby Arenas, ASEC Rolando Puno, Former Congressman Jose De Venecia, Christopher De Venecia; Foreign Diplomats at DFA contingents.