Pinaigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang road clearing operations, lalo na itinalagang Mabuhay Lanes.

Layunin ng aksyon ng MMDA na mawala ang mga sagabal sa mga express route na nagsisilbing alternatibong daan upang makaiwas sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Karamihan sa mga hinuli at hinatak ng mga tauhan ng MMDA ang mga kotse na iniwan at nakahambalang sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Tinanggal din ng MMDA personnel ang mga nagtitinda na sagabal sa mga motorista.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Tiniyak pa ng ahensya na hindi sila titigil sa operasyon hangga't hindi nalilinis ang mga kalsada sa National Capital Region (NCR).