Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang 43°C heat index sa Aparri, Cagayan nitong Sabado, Abril 29.
Ayon sa ahensya, ang heat index na nasa pagitan ng42°C at 51°C ay kinokonsidera bilang "dangerous" dahil puwede itong maging sanhi ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke.
Bukod sa Cagayan, naitala rin ang "dangerous" heat index saButuan City, Agusan Del Norte (42°C); Dagupan City, Pangasinan (43°C); Masbate City, Masbate (42°C); at Puerto Princesa City, Palawan (42°C).
“Limit the time spent outdoors [or] schedule heavy-duty activities for the beginning or the end of the day when it’s cooler [to prevent heat-related illnesses],” anang PAGASA.
Ang pinakamataas na heat index ngayong 2023 ay naitala noong Abril 16 sa Guiuan, Eastern Samar na nasa 49°C.