Pinayuhan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Sudan na umuwi na lang muna sa Pilipinas upang maging ligtas kasama ang kanilang pamilya habang patuloy pa rin ang labanan doon.

Sa isang virtual press conference nitong Biyernes, Abril 28, sinabi ni Ople na hindi kaagad malulutas ang hidwaang nangyayari sa Sudan kaya’t mas mabuti umanong umuwi na lamang muna ang mga OFW doon.

“Kung may payo man ako sa kanila, uwi na lang. Uwi muna. Makakabalik naman ‘pag normal na ‘yung sitwasyon, pero hangga’t maaari, uwi na lang and be safe with your family,” ani Ople.

Meanwhile, the Secretary, who is currently in Aswan, Egypt to assist displaced OFWs, said that she and other government officials are looking after 50 Filipinos there, 49 of which are “Islamic students.”

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nagtungo nitong Abril 25 sa Aswan, Egypt si Ople para pangasiwaan ang pagpapauwi sa mga OFW na natatakot na mahuli sa mga labanan sa Sudan. Ayon kay Ople, may inaalagaan sila ngayong 50 Pilipino doon, kung saan ang 49 ay “Islamic students.”

Tinitingnan din umano nila ang posibilidad na mag-book ng chartered flight para maiuwi ang 340 Pinoy mula sa Egypt.

Nagkakaroon ng labanan sa Sudan matapos sumiklab ang paksyon sa pagitan ng mga hukbo na tapat kay Heneral Abdel Fattah al-Burhan at paramilitary ng Rapid Support Forces (RSF).

Si Burhan ang namumuno sa transitional governing Sovereign Council ng Sudan habang ang RSF ay pinamumunuan ni Heneral Mohamed Hamdan Dagalo na siyang deputy head ng konseho.