Walang kawala sa talent manager na si Ogie Diaz ang tangkang panloloko ng isang kahina-hinalang oral product kung saan damay maging ang mga doktor na sina Doc Willie Ong at content creator na si Dr. Kilimanguru.
Peke, at scam! Sa isang Instagram story nitong Sabado, Abril 29, ganito inilarawan ng talent manager ang isang produktong inendorso sa Facebook habang binalaan ang followers na mag-ingat laban dito.
Ginamit pa rito ang pekeng mga larawan ni Ogie kasama ang dalawa pang sikat na doktor na sina Ong at Kilimanguru.
Kamakailan, parehong babala at tip para hindi mabiktima ng parehong modus ang ibinahagi ni Dr. Kilimanguru.
“‘Pag walang blue check mark sa tabi ng panagalan ko, automatic na NO ANG ANSWER. Take note ha, yung blue check dapat sa tabi ng pangalan, hindi sa profile pic[ture],” sey niya.
Kamakailan din matatandaan ang umano’y pagsasampa ng kaso ni Kris Aquino laban kay Ong na una ring dumepensa naman na biktima lang din umano ng pekeng ads.
Basahin: Kris Aquino kakasuhan daw si Doc Willie Ong; doktor, umalma – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Sa naglipanang mga produkto gamit ang mga larawan ng ilang kilalang stars at online personalities, ibayong pag-iingat at masusing berepikasyon lang ang tanging susi para iwasang mabiktima ng modus.
Kung nakumpirma ring peke at kahina-hinala agad na ireport ang content sa pamunuan ng social media platform.