Isang 13-anyos na teenager mula sa United States ang nagsilbing bayani nang maihinto umano niya ang isang school bus na may sakay na 70 estudyante matapos mawalan ng malay ang driver.
Sa ulat ng Agence France Presse, nangyari ang kabayanihan ng Grade 7 na si Dillon Reeves noong Miyerkules, Abril 26, sa northern state ng Michigan.
Ibinahagi ng superintendente ng distrito na si Robert Livernois na nang makita ni Reeves ang driver na nahimatay, agad siyang tinungo ang hand brake upang pahintuin ang sasakyan sa gitna ng kalsada.
Sa video na inilabas ng mga awtoridad, maririnig umanong sumisigaw ang mga bata habang kinokontrol ni Reeves ang bus at sumisigaw na tawagan ang 911 emergency rescue service number.
Ang nasabing 70 estudyanteng sakay ng bus ay nag-aaral umano sa Lois E. Carter Middle School sa bayan ng Warren.
Pinuri naman ng city councilor ng Warren si Reeves sa pinakita niyang kabayanihan.