Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher "Bong" Go nitong Sabado, Abril 29, na gawing “option” ang modular learning bilang moda ng pag-aaral upang maging ligtas umano ang mga estudyante sa gitna ng init ng panahon sa bansa.

‘’With temperatures soaring, there are growing concerns about the safety of students who might be forced to attend face-to-face classes in extreme heat or during power outages,’’ ani Go, chairman ng Senate Health and Demography Committee.

Sinabi rin ng Senador na naniniwala siyang ang modular learning ay isang praktikal na solusyon upang matiyak na maipagpapatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral nang hindi nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Pinaalalahanan naman ng Department of Education (DepEd) ang mga school head na maaari nilang suspendihin ang face-to-face classes at lumipat sa alternative delivery modes gaya ng modular distance learning.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Noong Abril 20, naglabas ang DepEd ng memorandum na naglalayong bigyan ng awtoridad ang mga pinuno ng paaralan na gamitin ang modular distance learning, gaya ng nakabalangkas sa DepEd Order No. 37 na inilabas noong 2022, sa mga pagkakataong tulad ng sobrang init at walang kuryente.