Sa pakikipagtulungan sa Quezon City government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte ay kasado na ang muling Metro Manila Pride Month celebration sa Hunyo 24.
Ito ang inanunsyo ng pamunuan ng Pride PH, siyang organizer ng yearly celebration ng LGBTQIA+ community pagtuntong ng Hunyo.
“LOVE TAKES OVER QC… AGAIN,” mababasa sa social media post ng organisasyon sa kanilang anunsyo nitong Biyernes, Abril 28.
Noong nakaraang taon, matatandaang tinatayang nasa 25,000 attendees ang nakiisa sa parehong selebrasyon na tinawag na “Alab For Love” Festival.
Ngayon pa lang ay excited na ang komunidad sa kumpirmado nang grand celebration.
Samantala, ang selebrasyon ay isa ring protesta bilang pagbabalik-tanaw sa kauna-unahang pagkilos na inilunsad ng ilang miyembro ng LGBTQIA+ sa makasaysayang 1969 Stonewall Riot sa New York City.
Ang naturang pagkilos ang nagsilang ng ilan pang protesta para ipanawagan ang pantay na karapatan ng lesbian, gay, bisexual, transgender, at questioning (LGBTQ) Americans na kalauna’y nagbasura sa mga batas laban sa mga pang-aabuso sa komunidad hindi lang sa Amerika kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.