Binalikan ni Kapuso actress Barbie Forteza ang una niyang personal photoshoot na kinuhanan noong pandemya, kung kailan daw siya nagkaroon ng “doubts” sa kaniyang career.

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang stunning photo ni Barbie sa kaniyang “very first personal shoot” noong 2020.

Photo courtesy: Barbie Forteza/Instagram

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I thought of making one because a lot of celebrities are doing it and I didn’t want to be left out. I felt really pretty and important that day but it did cost a bit,” saad ni Barbie.

“I remember feeling scared because I’ve made a lot of big decisions at the worst time possible which was during the pandemic. Everything felt unsure.”

Sinabi rin ng aktres na maaaring ginawa raw niya ang naturang shoot para maging “aesthetically active” sa social media sa pag-asang magbibigay ito ng job opportunities para sa kaniya.

“I remember asking myself at the time, ‘what else can I do? Can people still appreciate me for just giving my best in acting? Should I reveal some skin or say yes to kissing scenes? Am I being too reserved? What’s next for me?’,” ani Barbie.

“And now, here I am. Our dream house is slowly coming together and I have so much to look forward to,” pagpapatuloy niya.

Nagpasamat naman si Barbie sa lahat ng nagtiwala sa kaniya kahit noong mga panahon umanong nagsimula siya magduda sa sarili niya at sa lahat ng nakaka-appreciate sa mga ginagawa niya.

“I’m just super thankful for all of you.

“If you’re reading this and you’re going through a tough time right now, I want you [to] know that you can do it. Your struggles will make your success more valuable,” ani Barbie.

“Now, time to roll up my sleeves. Got a lot of work to do 🙏🏻🙏🏻🙏🏻.”.

Isa si Barbie sa mga bumida sa Kapuso fantasy-historical drama series na ‘Maria Clara at Ibarra’ na napapanood na ngayon sa giant streaming platform na Netflix.

BASAHIN: Hit seryeng ‘Maria Clara at Ibarra’, nasa Netflix na!

Nagwagi ng bronze ang naturang serye sa entertainment category New York Festivals 2023. Ito raw ang kauna-unahang Philippine soap series na nakakuha ng naturang parangal.

BASAHIN: Mga programa ng GMA Network wagi sa New York Festivals 2023