Pitong kaanib ng New People's Army (NPA), kabilang ang dalawang senior citizen, ang sumuko sa Zamboanga del Sur nitong Biyernes.

Ito ang kinumpirma ngArea Police Command-Western Mindanao (APC-WM)nitong Sabado batay na rin sa pangungumbinsi ngMunicipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC).

Ang mga ito ay kinilalang sina Junry Apay Andata, 37; Pablito Sumampon Ayas, 55; Jemy Andata Mariano, 24; Ronel Ayas Andata, 26; Narcisa Antangig Andata, 33; Perino Sumampon Ayas, 65; at Florita Balaas Ayas, 62, pawang miyembro ng NPA-Barrio Revolutionary Committee.

Dakong 1:00 ng hapon nang sumuko ang mga ito sa Dumingag Municipal Hall, ayon sa pulisya.

Probinsya

11 bangkay, narekober sa ‘search and rescue’ sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3

Nakatakdang tumanggap ng tulong pinansyal ang pitong dating rebelde alinsunod na rin sa programa ng pamahalaan.

Philippine News Agency