Anim pa na pagyanig ang naitala sa Kanlaon Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa report ng Phivolcs, ang sunud-sunod na pagyanig ay naramdaman sa nakaraang 24 oras.

Nasa 206 metriko tonelada naman ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan nitong Abril 27.

Naitala rin ang pamamaga ng bulkan na senyales ng patuloy na pag-aalburoto nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipinaiiral pa rin ang Level 1 na Alert Status nito kaya ipinagbabawal pa rin ang paglapit o pagpasok ng publiko sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ), gayundin ang pagpapalipad ng sasakyang-panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.

Babala pa ng Phivolcs, mapanganib pa rin ang bulkan dahil posible itong magbuga ng nakalalasong usok o magkaroon ng phreatic eruptions.