Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Sabado, Abril 29, na 34.76% o 5,887 sa 16,936 examinees ang pumasa sa Civil Engineers Licensure Exam na isinagawa noong Abril 23 at 24.

Tinanghal bilang mga top notcher sina Garret Wilkenson Ching Sia mula sa De La Salle University (DLSU) - Manila at Alexis Castillo Alegado mula sa Mariano Marcos State University - Batac matapos silang makakuha ng 92.10% scores.

Kinilala naman ang DLSU-Manila bilang top-performing school matapos makakuha ng 88.99% passing rate.

Binigay umano ng Board of Civil Engineering ang naturang pagsusulit sa National Capital Region, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'