Inabisuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na huwag maniwala sa kamakalat na text messages na mayroong ipinamamahaging ayuda ang ahensya na nagkakahalaga ng ₱10,000.
"Muli po nating pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at huwag agad maniniwala sa text messages mula sa unregistered at unknown numbers, lalo na’t naglipana ngayon ang mga scammer na layuning manloko," ayon sa Facebook post ng DSWD.
"Hangga’t maaari, i-report agad ang mga mensaheng ito at i-block sa inyong mga telepono upang matigil ang pagkalat ng mga maling impormasyon," panawagan ng ahensya.
Umapela rin ang ahensya na makipag-ugnayan lamang sa DSWD upang matiyak na hindi sila mabiktima ng mga scammer.