"Produkto rin ako ng broken family. Pero ngayon okay na lahat..."
Kumuda ang social media personality at talent manager na si Wilbert Tolentino sa post ni Skusta Clee para sa anak na si Bia.
Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Biyernes, binati ni Skusta ang anak para sa 2nd birthday nito.
Sa comment section, kumuda ang talent manager at sinabing walang perpektong pamilya dito sa mundo. Ikinuwento niya na dumating sa punto na kinamumuhian niya ang mga magulang niya.
"Dto sa mundong kinatatayo natin ay walang perpektong Pamilya. karapatan ay dapat pantay. Ako nga laking Chinese conservative family, dalawang dekada ako nawala sa pamilya ko kht lagi akong bugbog sa aking magulang kht masakit sa kalooban ko at kinamumuhian ko na ang parents ko," saad nito.
Na-realize niya raw na kahit bali-baliktarin man ay magulang pa rin niya iyon. Ngayon ay okay na raw ang lahat sa kaniyang pamilya.
"Pero dumating ang tym na realize ko kht balikbaliktarin natin na may mali ang magulang ko. Magulang ko parin sila. Produkto din ako ng broken family. Pero ngayon ok na lahat. Si lord din ang gagawa ng way para maging maayos," ani Wilbert.
Bukod dito, nag-iwan din siya ng mensahe sa mga bashers na huwag daw maging one-sided sa kwento.
"Kaya sa mga bashers kung makapang husga sa tao sana d nyo rin maranasan pinag daanan ng isang broken family. wag tayo maging one sided na indi natin alam punot dulo. yun lamang po," dagdag pa niya.
Gayunman, tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang komento ni Wilbert.
"Apaka insensitive... Hindi porket naging okay family mo, magiging okay na pamilya ng lahat. Magkaka iba tayo ng pinagdadaanan. Naging okay man sayo, edi goods pero wag mong iinvalidate ang status ng bawat broken family sir. At hindimaganda na pipilitin nyong maging okay ang iba dahil lang sa naging okay ang inyo. Toxiccccc!"
"Wilbert Tolentino karapatan ng ina yun, kung magiging okay man lahat hindi pa ngayon yun at wag ipilit."
"Iba yung pamilya nila sa inyo sir, yung kanila SINIRA talaga, may pamilyang nasira ng di inaasahan at magkaiba ho yonKami nga buo magkakasama magulang ko pero broken inside"
"Wilbert Tolentino sya naman may kasalanan bat ayaw pakita anak haynako!!!!"
"hindi po lahat ng pamilya naayos kung sa inyo naayos nyo po edi mabuti iba iba po tayo issue at pinagdadaanan kung sa inyo po madali nyo natanggap lahat baka kayZeinab Harakehindi pa nya kaya magpatawad sa tatay ng anak nyalalo na sa mga piangdaanan nila bilang nanay at tatay ni bia"
"ginagawa mo na namang issue miii... Wag mo ikompara yung pamilya mo sa pamilya nila Zeb dahil malayong malayo at malaki pagkakaiba kung bakit cla humantong sa ganto."
"syempre magcomment ka kasi kaaway mo si zeinabnot a fan of zeinab pero rights niya as a mother kung papakita o papahiram niya anak niya. siya nagdala nun ng 9mos at siya naghirap. tapos si daryl binigyan ng stress. emotionallyand mentally damage talaga."
"Hindi nman sa pang aano hahh pero wag kang mag salita na parang alam mo lahat ako din nman produktong broken fam pero naging maayos ba lahat? Wag mong ikumpara yung istorya ng iba sa istorya ng Buhay mo mag kakaiba tayo ng tadhana!"