Abot-abot na pasasalamat ang ipinahayag ni Ogie Diaz sa mga nakiramay, nangumusta sa kaniya at nakaalala sa kanilang pamilya kasunod ng kamakailang pagpanaw ng kaniyang ina.

Bago nito ay nauna nang sinabi ng manager na hindi niya inoobliga ang mga kaibigan o katrabaho na makapunta sa burol ng ina.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

“Sa tagal ko sa industriyang ito, hindi ko talaga naging ugali ang umasa. Kasi kahit naman itong kung anuman ang narating ko sa aking career eh di ko rin naman in-expect,” mababasa sa kaniyang Facebook post kamakailan.

“Di ko rin inoobliga ang mga kakilala, kaibigan sa showbiz na porke magkaibigan kami ay dapat silang pumunta sa wake ng nanay ko. Yung makiramay lang sa text or sa comment section or magpadala lang ng bulaklak, sapat na,” aniya pa.

Gayunpaman sa paglalarawan ni Mama Loi na siyang naging abala sa pagsasaayos ng burol, naging “tourist attraction” pa nga ang lobby ng chapel matapos maraming kaibigan ng manager ang nagpadala ng huling respeto sa yumaong ina.

Basahin: LizQuen, ‘di man lang nagpaabot ng pakikiramay kay Ogie Diaz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala ay malalim naman ang pagkilala ni Ogie sa mga personal na nakapunta sa burol ng ina kagaya nina Jackie Lou Blanco, ang mentor na si Cristy Fermin, Paolo Contis, Ryan Bang at Sylvia Sanchez.

"‘Yung mga pagkain na dumarating ang dami-dami rin. ‘Yung mga pa-cater ni Cristy Fermin, ng Ohana Beach Resort, ni Madam Kath Amos. Ang daming nagpapakain, yung mga kakanin pa na dinadala doon. Kaya umaapaw ang pagkain, umaapaw din ang mga tao na nakikiramay,” aniya sa naging showbiz update nitong Biyernes, Abril 28.

Ilan pang personalidad ang nagpaabot din ng personal na pagdamay kay Ogie kagaya nina Gladys Reyes, Joel Cruz, Marissa Sanchez, Vhong Navarra, at Eian Rances bukod sa maraming iba pa.

“Ang importante ay mairaos nang maayos ito at maidala ang aking mahal na ina sa kanyang hiling na maitabi siya sa kaniyang asawa, sa aking tatay,” anang manager.

Maging sa bashers ay may pagpapakumbaba ring pakiusap at pasasalamat si Ogie.

“Dun sa mga bashers na nakikiramay, quits muna. Ibigay nyo muna sa akin itong mga araw na ito,” aniya.

Sa huli, nauunawan naman ng manager sa kabilang banda na maaaring may sakit o nag-iingat lang ang ilan sa mga kaibigan dahilan para hindi makarating sa burol ng ina.

Nitong Biyernes, Abril 28, naihatid sa huling hantungan ang ina ni Ogie na nakilalang si Aling Mameng. Siya ay 87-anyos.

Basahin: ‘Hindi na kami choosy’: Ogie, nagluluksa sa pagpanaw ng ina, proud sa naibigay bago pumanaw – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid