Isasapubliko lamang ang pangalan ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot umano sa illegal drugs kapag kinasuhan na sila sa hukuman.

Ito ang tiniyak ng bagong hepe ng PNP na si Gen. Benjamin Acorda sa isang television interview nitong Biyernes.

Layunin aniya nitong maiwasan ang impluwensya ng opinyon ng publiko at para na rin sa proteksyon ng mga ito.

Bukod dito, iniiwasan din aniya nilang magkaroon ng maaga o "hilaw" na pahayag laban sa mga opisyal na idinadawit sa usapin.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nag-ugat ang usapin nang maaresto si dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo matapos masamsaman ng P6.7 bilyong shabu sa isang pagsalakay sa Tondo, Maynila noong Oktubre 8-9, 2022.

Matapos dakpin, pinakawalan ng arresting team si Mayo kaya lumutang ang alegasyong nagkaroon umano ng sabwatan sa pagitan ng mga matataas na opisyal ng PNP upang pagtakpan ang kaso.