Mahigit sa 100 Chinese vessel ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.

Sa pahayag Capt. Rodel Hernandez, commanding officer ng PCG, sa pitong araw na maritime patrol ng BRP Malapascua (MRRV-4402) at BRP Malabrigo (MRRV-4403) sa nasabing karagatan simula Abril 18-24, namataan nila ang naturang bilang ng Chinese Maritime Militia vessels, hindi pa kasama ang isang People's Liberation Army Navy corvette class at dalawang China Coast Guard vessels.

Nakita naman sa Sabina Shoal ang 18 Chinese maritime militia.

Nagkaroon naman ng radio challenge sa pagitan ng dalawang barko ng PCG at China Coast Guard vessel matapos igiit ang kani-kanilang karapatan sa WPS.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Iniharap na ng Coast Guard sa National Task Force for the West Philippine Sea ang kanilang report kaugnay sa insidente.