Muling nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) nitong Huwebes, Abril 27, na ibasura ang K to 12 program na hindi naman umano tumutugon sa krisis sa pag-aaral ng bansa.

“There is no point in continuing a program that not a single study has found to be effective,” saad ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) chairperson Vladimer Quetua sa isang pahayag.

Inulit ng ACT ang panawagan nito na ibasura ang K-to-12 program kasunod ng panukala ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na palitan ang kasalukuyang K-to-12 program ng “K+10+2” system.

BASAHIN: Arroyo, nais palitan ang K to 12 curriculum ng ‘K + 10 + 2’

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“Making Grade 11 and 12 voluntary is essentially an admission that the K-12 program is a failure,” reaksyon ng ACT sa panukala ni Arroyo.

Mula nang maisabatas ito, sinabi ng ACT na nanawagan silang ibasura ang K to 12 program dahil ito umano ay hindi idinisenyo para sa tunay na pambansang programa ng pag-unlad.

“[K to 12] is not designed to bolster a genuine national development program and only aims to produce cheap and docile labor force for foreign employers that is bound to be underpaid, contractual or unemployed,” anang ACT.

Binanggit din ng grupo na ang programang K to 12 ay mistulang paalalala rin sa pangmatagalang kakulangan sa edukasyon, pag-aaksaya ng resources, at karagdagang pasanin sa mga mag-aaral, mga magulang at guro.

Kapag naibasura umano ang K to 12 program, maaari nang i-absorb ang mga guro sa Grade 11 at 12 sa Junior High School. Idinagdag nito na ang mga Senior High School ay maaari ring i-convert sa mga junior high school upang makatulong na matugunan ang kakulangan ng mga guro at silid-aralan, at upang bigyang-daan ang pagbawas ng laki ng klase.

Samantala, sinabi ng ACT na ang Basic Education curriculum ay dapat ding baguhin upang matugunan ang krisis sa pag-aaral at muling gawing pamilyar sa mga layunin ng pambansang industriyalisasyon.

Merlina Hernando-Malipot