Hinimok ng isang eksperto sa kalusugan ang gobyerno at pribadong sektor na patuloy na magtulungan para mapahusay ang tiwala ng publiko sa mga bakuna.

“Kailangan natin ng kumpiyansa kapag sinimulan natin ang pagbabakuna. At hindi lamang ito kumpiyansa sa mga propesyonal sa kalusugan. Kailangan natin ng kumpiyansa mula sa lahat ng sektor,” isinaling saad ni Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo sa “Health Connect” forum nitong Biyernes, Abril 28.

Batay sa kamakailang pag-aaral ng United Nations Children's Fund (UNICEF), "ang persepsyon sa kahalagahan ng mga bakuna para sa mga bata ay bumaba ng humigit-kumulang 25 porsiyento sa Pilipinas."

Ang mga maling pahayag tungkol sa mga bakuna ay nakakaapekto rin sa pananaw ng publiko tungkol sa life-saving tool, sabi ni Bravo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Huwag makinig sa fake news dahil hindi mo na maibabalik ang tiwala mo," saad niya.

Ang pagtiyak ng "katapatan at transparency" sa mga programa ng pagbabakuna ay mahalaga rin, sabi ni Bravo.

“Huwag hayaang punan ng graft and corruption ang gap na kailangan nating makuha itong restoration of confidence dahil nakakasira talaga ng tiwala ng mga tao, nakakasira at nakakasira ng kredibilidad,” aniya.

"Pakiusap, para sa ating gobyerno at maging sa mga pribadong institusyon: ang katapatan pa rin ang pinakamahusay na patakaran," dagdag niya.

Samantala, dapat ding tiyakin umano ng gobyerno na ang mga bakuna ay naa-akses sa iba't ibang lugar, lalo na sa mga "underserved communities," ani Bravo.

“Siguraduhin natin na lahat ng bakuna ay accessible, lalo na sa mga mahihirap, lalo na sa mga hindi kayang bayaran ang pribadong sektor,” aniya.

Hiniling din ni Bravo sa mga local government units (LGUs) na paigtingin ang kani-kanilang pagsusumikap sa pagbabakuna upang maiwasan ang mga posibleng outbreak ng mga sakit na kayang maiwasan sa tulong ng bakuna.

“Ang mga LGU na mababa pa rin ang saklaw ng kanilang bakuna, maging ito ay para sa mga bata, para sa mga senior citizen, kung bawat edad ay na-account, kailangan nating i-improve ang coverage sa 90 porsiyento,” aniya pa.

“Kaya ng mga LGUs yan... siguraduhin natin na lahat ay umabot sa 90 percent para hindi tayo magkaroon ng outbreaks mula sa tigdas, polio, diphtheria, at lahat ng vaccine preventable na sakit,” dagdag niya.

Analou de Vera