Inihahanda na ng pamahalaan ang diplomatic action nito laban sa China kaugnay sa umano'y ipinakitang pagsalakay nito laban sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.

Sa pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza, hinihintay na lamang nilaang ulat ng PCG at iba pang ahensya ng pamahalaan hinggil sa insidente nitong April 23 kung saan hinarang ng barko ng Chinese Coast Guard ang BRP Malapascua at BRP Malabrigo na nagpapatrolya malapit sa Ayungin Shoal kaya muntik nang magkaroon.

“In terms of DFA’s perspective, we await the official incident report coming from all relevant agencies, PCG is one of which. And the DFA actually studies and analyses and makes an assessment of it. And based on this incident report, the appropriate action will be taken,” paliwanag ni Daza sa pulong balitaan sa Malacañang nitong Biyernes.

Sakay ng naturang dalawang barko ng PCG ang mga mamamahayag nang maganap ang insidente.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"The Chinese coast guard vessel safeguarded China's territorial sovereignty and maritime order, in accordance with the law, while taking timely measures to avoid the dangerous approach of Philippine vessels and to avoid a collision," depensa naman ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning.

Agence France-Presse