Dahil sa tumataas na temperatura sa Metro Manila, sasailalim sa blended learning ang mga pampublikong paaralan sa Muntinlupa.

Inihayag ng Schools Division Office-Muntinlupa sa ilalim ng Department of Education (DepEd) noong Abril 28 na ang blended learning modality ay ipatutupad sa lahat ng 28 pampublikong elementarya, at junior at senior high school sa Muntinlupa mula Mayo 2 hanggang Hunyo 2.

“Blended Learning composites face to face at asynchronous modalities,” ayon kay Schools Division Superintendent Evangeline Ladines.

Ayon sa abiso ng DepEd noong Hulyo 2022, ang blended learning “refers to a learning delivery that combines face-to-face with any or a mix of online distance learning, modular distance learning, and TV/Radio-based Instruction.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management na umabot sa 37 degree Celsius ang heat index sa Muntinlupa noong Abril 27 na may air temperature na 32.88 degree Celsius at relative humidity na 57 percent.

Heat index “ay isang sukatan ng kontribusyon ng mataas na halumigmig na may abnormal na mataas na temperatura sa pagbabawas ng kakayahan ng katawan na palamigin ang sarili nito,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST).

Hinimok ng SDO Muntinlupa ang publiko na makipag-ugnayan sa mga opisyal at guro ng paaralan para sa impormasyon tungkol sa blended learning.

Nauna nang sinabi ni Mayor Ruffy Biazon na prayoridad ng pamahalaang lungsod ang kaligtasan ng mga estudyante at mga tauhan ng paaralan.

Jonathan Hicap