Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1, nakatakdang mamahagi ang pamahalaan ng ₱1.8 bilyong ayuda sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Bukod dito, magsasagawa rin ng job fair ang DOLE sa 43 sites sa bansa.

Inaasahang pakikinabangan naman ng mga mag-aaral at naghahanap ng trabaho ang iba pang programa ng ahensya na ilulunsad sa SMX Convention Center sa Pasay City sa Abril 30.

Sinabi rin ng DOLE, magtatatag din sila ng Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa hubs sa iba't ibang bahagi ng bansa mula Abril 30 hanggang Mayo 5.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nanawagan din ang DOLE sa publiko na bisitahin lamang ang kanilang Facebook page para sa karagdagang impormasyon.