Mahigit sa₱1.4 bilyong halaga ng ipinuslit na sigarilyo ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City nitong Biyernes.

Sa panayam, sinabi ni BOC-Port of Zamboanga acting district collector, Arthur Sevilla, ang mga sinirang sigarilyo ay nasamsam sa serye ng anti-smuggling operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi sa loob ng unang tatlong buwan ng 2023.

“This is by far the largest condemnation of seized smuggled cigarettes in the port of Zamboanga,” ani Sevilla.

Ibinabad aniya sa tubig ang mga sigarilyo at ipinawasak sa heavy equipment upang hindi na mapakinabangan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Idinagdag pa ng opisyal na ang naturang hakbang ay alinsunod sa dirketiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Philippine News Agency