Dinakip ngNational Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang illegal recruiter matapos makilala ito ng kanyang biktima habang kumukuha ito ng certification sa loob ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City kamakailan.

Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek na siLuzviminda Lucena Panzuelo.

Inaresto si Panzuelo matapos mamukhaan ng isa sa kanyang nabiktima sa DMW headquarters sa Ortigas Avenue, Mandaluyong.

Ayon sa isa sa biktima, nagtungo siya sa DMW Migrant Workers Protection Bureau upang humingi ng tulong kaugnay ng pagsasampa sana nito ng reklamong illegal recruitment at humingi na rin ng tulong sa NBI-AOTCD, nang makita nito ang suspek sa lugar.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Dahil dito, kaagad na ipinaaresto si Panzuelo.

Sa report ng POEA, kabilang sa modus ng suspek na humikayat sa mga nagnanais na magtrabaho sa Canada at kinakailangan lang umano nilang magbigay ng₱189,000 bawat isa bilang “processing fee” para sa mga “garantisadong” trabaho bilang office at factory worker.

Sa ulat naman ngNBI-AOTCD, mayroong kinakaharap na tatlong kasong estafa si Panzuelo sa Metropolitan Trial Court ng Caloocan City kung kaya inihain nila ang warrant of arrest laban kay Panzuelo.

Bukod dito, nahaharap din si Panzuelo sa kasong illegal recruitment sa Regional Trial Court (RTC) Branch 17 sa Manila City.

Si Panzuelo ay nakakulong na sa NBI Taft Avenue, Maynila.