Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group na umakyat pa sa 12.9% ang nationwide Covid-19 positivity rate hanggang nitong Abril 26.

Ayon kay OCTA Research Fellow, ito ay pagtaas mula sa 11.7% lamang na naitala noong Abril 25.

Higit doble naman ito sa 5% lamang na threshold na itinatakda ng World Health Organization (WHO).

Samantala, iniulat rin ni David na ang Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) ay umakyat na sa 12.3% noong Miyerkoles mula sa 8.1% lamang noong nakaraang linggo.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Sinabi pa ni David na posibleng ang Covid-19 Omicron subvariant XBB.1.16, na tinawag na Arcturus, ang sanhi ng pagtaas ng mga kaso.

"Apr 26 2023 DOH reported 506 new cases, 0 deaths (0 in NCR) 315 recoveries 4446 active cases. 12.9% nationwide positivity rate. 197 cases in NCR, 35 in Rizal, 29 in Laguna. Projecting 800-1000 new cases on 4.27.23," tweet ni David.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.