Matatandaang napa-balitaan na si Kim Kardashian ay apat na beses kumuha ng “baby bar” exam sa California bago pumasa, ngayong malapit na makamit ang pangarap maging abogada, handa raw siyang iwan ang showbiz career para rito?
Ang American socialite, media personality, at businesswoman na si Kim ay nasa spotlight na mula noong siya ay nasa kaniyang 20s nang magsimula ang reality show ng kaniyang pamilya na "The Kardashians."
Inamin ng isa sa “Keeping up with the Kardashians” star sa isang panayam ng Time100 Summit na mas pipiliin niyang tatanggapin ang buhay na walang “spotlight” para maging isang full time na abugado.
"I think there’s a lot that’s always on TV and a lot that’s always out there, but I think my friends and my family know we really cherish a lot of our private times, and I would be just as happy being an attorney full-time," anang reality star nang tanungin tungkol sa posibleng buhay nang walang camera.
Aniya kung magkakaroon raw siya ng sariling paraan para gumawa ng pangalan malayo sa atensyon ng mga tao, mas pipiliin raw niya na tumuon sa pagtulong sa mga nanggangailan.
"I would totally spend more time doing that, cameras or no cameras."
Kuwento rin ni Kim na dahil daw sa kaniyang ama na si Robert Kardashian - isang sikat na abugado sa paglilitis ng O.J. Simpson na namatay noong siya ay 22 pa lamang, ang naging dahilan kung bakit nais niya ipagpatuloy ang pangarap.
Kaya naman patuloy na inaawitan ang ina na na siyang manager rin na si ‘Kim K’ ay mag reretire na at magiging abugado na lamang.
"I always joke with my mom, who's my manager, I say, 'Kim K.’ is retiring, and I'm just going to be an attorney."