Tila maraming netizens ang naka-relate sa hugot Facebook post ni Daisy Lopez a.k.a. "Madam Inutz" nang ipakita niya ang electric bill na kailangan niyang bayaran para sa buwan ng Abril.

Batay sa bill na natanggap niya sa Meralco, aabot sa ₱32,840.41, na nakonsumo nila mula Marso 26 hanggang Abril 25, 2023.

Kaya nasabi na lamang ni Madam, "WALA TALAGA AKONG KARAPATAN MAGPAHINGAAA ‼️ SA LAKI NG BILLS KO."

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Electric bill pa lamang iyan at wala pa ang tubig, pagkain, grocery, at iba pang bayarin.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"2 aircon pag gabi naka-on -4,600 bill namin. Not bad. Buti na lang walang tao sa bahay sa araw dahil nakabantay sa tindahan."

"Grabe… ang laki nga! Try mo mag-solar panel madam if ever man nag-centralized aircon ka sa buong bahay mas laking tipid ng solar po hindi ideal pa sa income or net worth ng business n'yo po yung cost of living, invest po kayo muna kung saan makaka-less kasi sa dami n'yo po sa bahay lalaki talaga consumption n'yo po just saying maraming alternative ways po makaka-save ng energy sa kuryente po."

"Madam ibig sabihin n'yan malaki na kasi ang income n'yo kaya mataas na ang bill mataas na ang demands lahat ng bills."

"Mag-solar power ka na madam mas maganda!"