Nananatili pa rin sa “danger” level ang heat index sa walong mga lugar sa bansa nitong Huwebes, Abril 27, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, nagkaroon ng pinakamataas na heat index ang Dipolog, Zamboanga del Norte (44℃); Guiuan, Eastern Samar (44℃); Roxas City, Capiz (43℃); Zamboanga City, Zamboanga del Sur (43℃); Butuan City, Agusan del Norte (42℃); Dagupan City, Pangasinan (42℃); Masbate City, Masbate (42℃); at Puerto Princesa City, Palawan (42℃).

Samantala, pagdating sa Metro Manila, naitala ang 41°C heat index sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, 38℃ sa Science Garden sa Quezon City, at 38℃ din sa Port Area sa Maynila.

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Maaari umanong malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.

Dahil sa init ng panahon, ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kamakailan na dapat maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng direktiba na naglalayong bigyan ng ‘work break’ ang outdoor workers tuwing mataas ang heat index sa kanilang lugar.

BASAHIN: ‘Work break’ tuwing mataas ang heat index, ipagkaloob sa outdoor workers – Pimentel