Inakusahan ang pop singer na si Ed Sheeran na kinopya ang kaniyang ballad na "Thinking Out Loud" mula sa "Let's Get It On" ni Gaye.
Ang singer na si Sheeran ay tumistigo bilang saksi noong Martes sa isang paglilitis na copyright kung saan siya ay inakusahan ng pagkopya ng kaniyang ballad na "Thinking Out Loud" mula sa "Let's Get It On" ni Marvin Gaye.
Tumestify si Sheeran na siya at ang kaniyang co-writer na si Amy Wadge, ang lumikha ng "Thinking Out Loud,” “Yes, Amy Wadge and I wrote the song ‘Thinking Out Loud,’ aniya na tungkol ito sa paniniwalang pang habang-buhay ang pagmamahalan na hango sa love story ng kaniyang lolo't lola.
Gayunpaman, itinanggi ni Sheeran na kinopya nila ng co-writer na si Amy Wadge ang “ascending four-chord sequence and rhythm” mula sa kanta ni Gaye, bilang tugon sa footage na ipinakita ni Sheeran na nagmamash-up siya ng dalawang kanta.
Ang kaso ay umabot pabalik sa 2017, nang ang “heirs” ng 'Let's Get It On' co-writer na si Ed Townsend ay nagdemanda kay Sheeran at sinasabing ang "melodic, harmonic, at rhythmic compositions" ng 'Thinking Out Loud' ay kapansin-pansing katulad ng drum composition ng 'Let's Get It On '.
Depensa naman ni Sheeran karamihan sa mga pop song ngayon ay maaaring maging magkatunog sa iba pang pop songs, binabanggit niya rin bilang halimbawa ang pagkakatulad ng Beatles' 'Let It Be' at ni Bob Marley 'No Woman, No Cry'.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na inakusahan si Sheeran ng plagiarism. Taong 2017, gumawa siya ng isang “out-of-court settlement” matapos ang kaniyang kanta na 'Photograph' ay inakusahan ng pagkopya sa kanta ni Matt Cardle na 'Amazing'.