Tuguegarao City, Cagayan -- Muling tumataas ang kaso ng Covid-19 sa probinsya ng Cagayan.

Ayon sa ulat mula sa Cagayan Provincial Information Office, kinokonsidera niProvincial Health OfficerDr. Carlos Cortina III at Governor Manuel Mamba ang mandatory na pagsusuot umano ng face masks sa indoor areas upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng virus sa lugar.

"Huwag natin dapat kalimutan ang minimum public health standard o ang pagsusuot ng facemask, social distancing at paghuhugas ng kamay o gumamit ng alcohol lalo na sa mga lugar na walang ventilation tulad ng mga sasakyan, department store o mga closed area,” anang PHO.

Sa huling datos na Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) noong Abril 26, nasa 22 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Cagayan: 12 kaso sa Tuguegarao, tatlo sa Gonzaga, tig-dalawa sa Lal-lo at Peñablance, at tig-iisa sa Aparri, Baggao, at Solana.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?