Tinatayang 33.49% examinees ang pumasa sa April 2023 Electronics Engineers Licensure Examination (ECE) habang 73.69% ang pasado para sa Electronics Technicians Licensure Examination (ECT), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Abril 26.

Sa tala ng PRC, 983 ang pumasa mula sa 2935 na kumuha ng ECE, habang 1,641 naman ang pumasa mula sa 2,227 na kumuha ng ECT.

Hinirang si Joshua Aniken Garcia Acusta mula sa Iloilo Science and Technology University bilang top notcher ng ECE matapos makakuha ng 88.60% rating.

Kinilala naman ang University of the Philippines Diliman bilang top-performing school sa naturang board exam dahil sa 35 out of 40 passers, o 87.50% overall score nito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pagdating naman sa ECT, hinirang si Jayron Tayurang Mampusti mula sa Polytechnic University of the Philippines Main Campus bilang top notcher na may 90% rating.

Dineklara rin ng PRC ang Technological University of the Philippines Visayas bilang top performing school dahil sa 71 out of 77 passers, o 92.2% overall rating nito.

Binigay umano ng Board of Electronics Engineering ang naturang pagsusulit sa National Capital Region, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.