Closer to his idol dream na ang Pinoy-Canadian singer na si Tyson Venegas matapos makapasok sa Top 12 ng American Idol S21 nitong Martes, Abril 25.

Unang sumalang para sa Top 20 round si Tyson kung saan kinanta nito ang original composition na “180” at saan napabilib, napatayo sa kani-kanilang upuan ang judges na sina Katy Perry, Luke Bryan at Lionel Richie.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Oh my God, I know you who you are now. It was so cool. It’s so great when you perform your own song. I know what you stand for; I know what your values are; I know what your perspective is; I know where your heart is and therefore, I can fall deeper in love with you, Tyson,” sey ni Katy sa performance ng 17-anyos na Pinoy.

Para sa “Firework” singer, on his “way to being an artist” na si Tyson.

Sey naman ni Luke: “I’m just so proud of everybody that’s done their originals tonight. Katy is right. I mean, 17 right? Up here in American Idol delivering messages just for the world, helping people and you do a marvelous job at the piano. The way you’re able to hold the room. It’s far beyond your years of talent."

“Singer-songwriter. Let me tell you how powerful that is. A lot of times singers come into the business, [and] they need songwriters to write for them and therefore you have the mercy of finding the right songs. When you are a singer-songwriter, you can write your own future. That was a damn good song,” komento naman ni Lionel sa songwriting skills ng young talent.

Isang Elton John classic naman na “Don’t Let The Sun Go Down on Me” ang sunod na kinanta ni Tyson para sa Top 12 round.

Dito pinabilib pa rin ng singing prodigy ang lahat sa kanyang singing prowess, at emotionally-charged singing style.

Tatlong judges muli ang napatayo ni Tyson habang makikitang proud na proud at emosyonal ang kaniyang magulang sa audience.

Samantala, nagpasalamat naman ang young singer sa patuloy na suportang natatanggap lalo na pagdating sa botohan.

“I made the #Top12 of American Idol There's no voting tonight but get ready to support me again next Sunday! It's the first live coast-to-coast vote! Thank you so much for helping me to this point!” saad ni Tyson sa isang Facebook post, Martes.

Dugong Pinoy, sa Vancouver, Canada na nakabase ang singer na una ring napanuod ng publiko sa The Voice Teens Philippines noong 2020.

Basahin: Katy Perry, tumalak! Dugong Pinoy na si Tyson Venegas, pasok na sa Top 24 ng American Idol – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid