Nakahandang tulungan ng pamahalaan ang mga magsasakang maaaperktuhan ng tagtuyot na dulot ng El Niño.

Ito ang pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules kasabay na rin ng paniniyak na may sapat na pondo para sa nasabing sektor.

Nakahanda na rin ang imbak na food and non-food items (FNFIs) ng ahensya na ipamamahagi sa mga maaapektuhan ng El Niño.

Nitong nakaraang Martes, nakipagpulong si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga opisyal ng mga field office nito upang matiyak ang kahandaan laban sa pagtama ng El Niño phenomenon.

Mahigit sa ₱35 bilyon ang nakaimbak na pagkain at pondo ng DSWD para sa mga magsasakang maapektuhan nito.