Si Senador Raffy Tulfo ang tumanggap ng pinakamataas na trust at approval ratings sa mga kasalukuyang senador ng bansa, ayon sa natuklasan ng isang malaking data research firm nationwide survey.

Nakatanggap si Tulfo ng 90 percent trust rating at 83 percent approval rating mula sa 2,000 respondents sa Tangere survey, na naglabas ng mga resulta nitong Miyerkules, Abril 26.

Ang mga senador na may susunod na pinakamataas na trust at approval rating ay sina Senator Grace Poe (84 percent trust rating at 79 percent approval rating), Senator Joel Villanueva (83 percent trust rating at 76 percent approval rating), Senator Sherwin Gatchalian (80 percent trust rating at 75 percent approval rating), at Senator Francis Escudero (80 percent trust rating at 74 percent approval rating).

Batay sa mga resulta ng survey, ang nangungunang limang senador ay patuloy na nakatanggap ng mataas na rating para sa parehong pagtitiwala at pag-apruba, ayon kay Tangere founder at CEO Martin Peñaflor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, sina Senators Alan Peter Cayetano (53 percent trust rating at 51 percent approval rating), Cynthia Villar (55 percent trust rating at 51 percent approval rating), at Bong Revilla Jr. (57 percent trust rating at 53 percent approval rating) ay "consistent" sa bottom rankings, sabi ni Peñaflor.

Ang mobile-based survey ay isinagawa mula Abril 17 hanggang 20 kung saan ang mga survey respondents ay proporsyonal na kumakatawan sa mga sumusunod na lugar sa buong bansa: 12 porsiyento mula sa Metro Manila, 23 porsiyento mula sa North at Central Luzon, 22 porsiyento mula sa South Luzon (kabilang ang Calabarzon, Mimaropa, at Bicol) , 20 porsiyento mula sa Visayas, at 23 porsiyento mula sa Mindanao.

Ellalyn De Vera-Ruiz