Nakikiisa ang Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas o Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ngayong Abril 2023.

Ang Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 10 Pebrero 2015 ay nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Buwan ng Panitikang Pambansa o National Literature Month na nagbibigay halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba’t ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga sususunod na henerasyon. 

Sa isang kalatas nitong Miyerkules, sinabi ni Postmaster General at CEO Luis D. Carlos, na ang PHLPost ay tumutugon sa panawagan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na maipalaganap sa higit na nakararaming mamamayan ang kamalayan hinggil sa nasabing pagdiriwang.

Nabatid na sa unang pagkakataon, pinagkalooban ng KWF ng "Hall of Fame" Award ang PHLPost ng ito ay magwagi  ng limang magkakasunod na taon para sa "Selyo ng Dangal sa Serbisyo Publiko"  sa kanilang huwarang paggamit ng Filipino sa buong bansa mula 2016 hanggang 2021. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Layon ng PHLPost na makapaghatid ng serbisyo gamit ang wikang Filipino para sa mas maganda at mabisang talastasan.