Naitala na ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.16 o "Arcturus" sa Pilipinas.

Sa pahayag ng DOH nitong Miyerkules, na-detect ito sa Iloilo at nakarekober na umano ang pasyente.

"The detected XBB.1.16 case in Iloilo Province was asymptomatic and has already recovered," anang ahensya.

Ang "Arcturus" na bagong variant ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay isang descendent lineage ng XBB na recombinant ng dalawang BA.2 descendent lineages.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Mas nakahahawaang nabanggit na bagong variant dahil sa kakayahan nitong makaiwas ng immunity.

"Based on the latest risk assessment by the World Health Organization (WHO) last April 17, 2023, no changes in severity have been reported in countries where XBB.1.16. are reported to be circulating," banggit ng ahensya.

Kumalat na sa 33 bansa ang naturang variant, ayon sa ahensya.

Pinayuhan muli ng DOH ang publiko na magsuot pa rin ng face mask at humiwalay na muna ng lugar sa pamilya sakaling magkasakit upang maiwasan ang paglaganap nito.