Mas matinding init ng panahon ang posibleng maranasan sa Mayo, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Myerkules.
Binanggit ng PAGASA, mararamdaman din ang matinding alinsangan at posible ring umabot sa 40 degrees celsius ang temperatura sa Northern Luzon.
Malaki rin ang posibilidad na umabot sa 39 degrees celsius ang temperatura sa kapatagan ng Luzon at 38 degrees celsius naman sa kapatagan ng Mindanao.
Nasa pagitan naman ng 36 at 38 degrees celsius ang posibleng maranasan sa Metro Manila.
Sinabi ng ahensya na posible ring magsimula ang tag-ulan sa pagitan ng second half ng Mayo at Hunyo.