Puwede nang mag-apply ng emergency loan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
"We have allocated ₱193.92 million in emergency loan for our 7,714 active members and old-age and disability pensioners in Calapan City as well as the municipalities of Baco, San Teodoro, Socorro and Victoria," pahayag ni GSIS president, general manager Wick Velasco sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules.
Bukod sa Calapan City, naapektuhan din ng oil spill ang lima pang bayan sa Oriental Mindoro.
Maaaring mag-apply ng loan hanggang Mayo 17, ayon sa abiso GSIS.
Kabilang sa kuwalipikadong mag-apply ang mga miyembro na aktibo pa sa serbisyo, mayroong tatlong buwan na nabayarang premiums sa loob ng anim na buwan bago paghahain ng application, walang nakabinbing kasong kriminal at administratibo, walang due at demandable loan at mayroong net take-home pay na hindi bababa sa ₱5,000 matapos makaltas ang lahat ng kinakailangang monthly obligation.
"Members with existing emergency loan balance may borrow up to ₱40,000 to pay off their previous emergency loan balance and still receive a maximum net amount of ₱20,000. Meanwhile, pensioners and those without existing emergency loan may apply for a ₱20,000 loan," sabi ng GSIS.
"The emergency loan is payable in three years or 36 equal monthly installments. Interest rate is 6% per annum," dagdag pa ng GSIS.
Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero 28 habang patungong Iloilo mula Bataan matapos hampasin ng malalakas na alon.
Karga ng oil tanker ang 800,000 litrong industrial fuel oil nang maganap ang insidente.