Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang live-fire drills sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at United States (US) kaugnay sa pagpapatuloy ng 2023 Balikatan Exercises sa Zambales nitong Miyerkules ng umaga.

Nakapaloob sa combined joint littoral live-fire exercise ang pagpapalubog ng isang lumang barko ng Philippine Navy 2.8 kilometro mula sa Naval Education Training Doctrine Command (NETDC) sa San Antonio.

Sa pahayag ngPresidential Communications Office (PCO), tiwala si Marcos na makikinabang ang bansa sa pinalawak na pakikipagtulungan ng U.S. sa pamamagitan ng nasabing joint military drills.

Binanggit pa na layunin nitong paigtingin ang combined capabilitiesng mga ito sa maritime security, live-fire exercises, urban operations at counter-terrorism.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nag-umpisa ang nasabing pagsasanay nitong Abril 11 at matatapos sa Abril 28, 2023.